5 Bagay na Hindi Totoo Tungkol sa UP Diliman ( Freshie Edition)

Ang bilis talaga ng panahon. Para bang kahapon lang, tila ba unang araw pa lamang natin sa pagpasok sa unibersidad ng Pilipinas, ngayon… at ngayon, naka isang buwan na tayo! HURRAY! 

~~~~~~~~ [ you can skip this part] ~~~~~~~~

Meron nalang tayong 36 Months on-average na nilalabing oras dito sa UP!! O DIBA! ANG SAYA-SAYA! (Ang hindi tumawa–madedelay.)
Hindi rin natin napansin pero– walong buwan ( 8-months) narin since nung nabasa natin ang ating mga pangalan sa listahan online! Nagagalit pa tayo non habang kinakabahan dahil ang bagal mag load ng website. UPCAT memories~ Orayt!  At dahil nga syempre sa UP ka nakapasok– edi ito ka nga naman, si Kuya o si Ate, tuwang-tuwa dahil nakapasok siya sa pinaka premiyer na unibersidad sa Pilipinas! Kaya kahit 4th grading palang niya sa high school ay sigi na agad siya sa paghahanap ng mga tips/guides/kwento/istorya tungkol sa magiging buhay nila sa UP Diliman, sumali na siya sa Overheard at nilike na ang TDF…  kahit na hindi pa niya sure kung makakagraduate ba talaga siya sa high school!

 Pero iyon na nga, sinuwerte si Ate o si Kuya! Nakagraduate siya! Mukhang nagbunga ang linggo-linggong pagdalaw ni Inay sa Baclaran, o diba nakagraduate kana, UP kapa! (Ilang beses ko na sinabi yung ‘UP’ at yung ‘UP Diliman’ ? ANYWAYSSS~) Narito ka na nga sa Unibersidad ng Pilipinas. Pagpasok natin, marami agad tayong naingkwentrong mga karanasan, istorya na atin ding maikwekwento sa tamang panahon, pero kasabay noon ay napatunayan din nating MALI ang ilan sa ating narinig o nakalap na impormasyon tungkol sa ating pamantasan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa baba ang bilang ng ilan sa pinaka maling konsepto na pumasok sa isip natin, o inasahan natin, o narinig natin tungkol nga sa UP nating mahal.

  • UNA!  HINDI KA BABY-BIHIN NG PROF MO~
    ———- Tungkol dito, first period palang, bhe… Mali. Hindi totoo na hindi kana ‘baby-bihin’ ng mga prof mo, na gugulatin ka agad niya na tila ba pagpasok mo sa pamantasang ito ay para bang tututukan ka agad ng baril sa likod ng ulo mo at sasabihin, ” Ok class, before I discuss let’s have a quick exam tungkol sa mga natutunan ninyo nung high school. You have 10-minutes to answer, 35-items lang naman. Graded.”
    ———– Hahahaha, luckily ay hindi naman ganon dito sa UP, o at least base sa aking naranasan. Well, first period namin yung prof pinagpakilala kami ganon, sinabi yung syllabus niya AT, TAKE NOTE, sa syllabus niya binigay niya yung email address niya and contact number, pati yung libreng oras niya kung saan pwede kang pumunta sa office niya at magtanong kung meron kang hindi naintidihan habang naglelecture! O DIBA! Actually for me, para rin naman silang teachers nung high school eh. The same parin in a way, mas syempre malalim na yung tinuturo nila compare sa high school.
  • PANGALAWA!  MAGIGING ATHEIST KA~
    ———– Hahahahaha. Sa totoo lang hindi saakin to nangyari, sa teacher ko nung high school na close ko dahil campus journalism adviser namin siya at medyo may katungkulan, active ako sa school paper namin kaya lagi ko siyang kasama rin. Sinabi niya na hindi daw siya pinayagan ng nanay niya dati na magtake ng UPCAT dahil magiging atheist daw siya sa UP!
    ———– Ok, going straight to the point: hindi ka po pipilitin sa UP na maging Atheist o tumiwalag sa kahit anong sekta ka man kabilang.  Sadyang dito ngalang ay kalat yung mga tinuturo kagaya nalang ng GE na mga Philosophy subjects, sa Philo kasi tinatalakay kung ano ang tama at mali, kung pano natin masasabing totoo ang isang bagay at kung ito man ay hindi totoo. Syempre sa mga gantong diskasyonan ay pumapasok ang usapin ng relihiyon. Magkakaron kayo ng pilosopikang talakayan tungkol sa mga bagay na yan kung saan HINDI po, inuulit ko, HINDI po kayo pipilitin ng inyong guro na tumiwalag sa Pinaniniwalaan ninyo, hindi rin po kayo nila, well in my case, pipiliting sumanig sa kung ano mang pinaniniwalaan nila. Bibigyan nila kayo ng points, ganon, tapus it’s either for you to decide on where to stand. So bottom line is, ikaw parin ang pipili kung ano ang gusto mong paniwalaan.
  • PANGATLO! MAKU-KULTYUR SHOCK KA~
    ———– Macu-culture shock ka ba sa UP or sa college in general? Well for me this is a myth. No, pero syempre dipende parin ito sayo at sa high school na pinanggalingan mo. Sa UP kasi ganto, meron tayong bagay na sinusunod… pinaniniwalaan, alituntunin na ginagabay ng mga nag-aaral at mga nangangasiwa sa institusyong ito: Academic Freedom.
    ———— Dito, makakakita ka ng iba’t ibang kulay ng buhok. Ehem. Fuchsia pa more. Syempre yung picture ko. Makakakita karin ng mga taong medyo ‘kakaiba’ manamit. Minsan akala mo meron nang World War III, ” ay dyosko po! ano bang ginagawa nila? May mga nagproprotesta! Dyosko magsitago tayo!” 😛
    ———— In a sense, ok, may kalayaan ang mga tao na gusto o gawin ang kahit anong gusto nila, pero syempre meron parin silang mga alituntuning sinusunod kagaya ng syempre dapat yung suot mo ay hindi naman nakakaistorbo sa iba. Alituntunin din, syempre dapat yung karapatang natanggap mo, academic freedom, ay bayaran mo o bigyan mo ng pagsasagawa… galingan mo bhe sa magiging trabaho mo. Mag excel ka. Make UP proud!
  • PANGAPAT! LAHAT NG TAO AY MATATALINO~
    ———– Hindi ko naman sinasabing bobo ka, o bobo ang ibang tao, pero bhe: no. Hindi lahat ng tao ay matatalino! Duh! Bhe, pantay-pantay lang tayo dito. Kung napakataas ng tingin mo sa iba, bhe naman… give yourself even a little credit naman. At syempre kungnapakataas din ng tingin mo sa sarili mo, eh konting baba naman: baka mauntog ka.
    ———– Well siguro relatively, lahat tayo dito ay matatalino, kaya parang wala naring matalino, ganon. Gets nyo ba yung pinaglalaban ko? 😛 . O kung meron mang sabihin na natin ay matalino, hindi naman ganon kalaki yung pagitan nila kesa saatin. Malamang kaya natataasan nila tayo ay mas nagreview sila kumpara saatin. Siguro instead na nanonood sila ng AlDub kaninang tanghali at nagfacebook bago kumain ay nag-aral sila. Mas magaling lang siguro sila mag manage ng oras kesa saatin, kayang kaya din natin yon!
  • PANGLIMA! MAGIGING AKTIBISTA KA~
    ———– Malamang base sa mga napapanood natin sa TV, aside sa academic excellence, ay napapanood ninyo, o napanood ninyo yung mga protesta o rally na nangyayari sa UP. Ok, hindi ko ipagkakailan, may mga ‘rally’ nga nanagaganap sa loob ng pamantasang ito. Yes din, maraming aktibista sa UP. Pero bhe, tatanungin muna kita, ano ba ang naiisip mo kapag nababasa o naririnig mo ang salitang Aktibista? Natatakot ka ba sa mga aktibista sa TV? Gusto mo bang maging aktibista? Nasabihan kana ba ng nanay mo na, ” Anak, huwag kang tutulad sa mga yan/ magiging aktibista ha!”
    ———– Negatibo. Ang salitang aktibista para saatin ay puro ba negatibo. Napakapangit ng salitang aktibista para sa atin, para bang kapag sinabing aktibista ka, pwede ka nang ikumpara sa mga magnanakaw, sa mga kriminal: masasamang tao.
    ———– At syempre, dahil pabebe ako, bibitinin kita. Sasabihin ko syempre na ikaw na ang bahalang humanap ng sagot sa iyong mga katanungan. Really kasi ay hindi ko naman masasabi in words kung ano nga ba ang mga aktibista. Pano ko i paliliwanag na ang isang aktibista ng hindi nagtutunog o nagmmukhang isang aktibista rin. Mabuti, upang masagot talaga ang iyong tanong ay… sumali ka sa isang rally, o mas kilala sa UP sa tawag na “walk-out”. Bakit walk-out? Well, kasi literal na mag wo walk-out ka mula sa klase mo… para siyang in a sense ay pagcucutting, par a sumali sa rally. Cool no. So ayon, subukan mong sumali sa isang walk-out. Doon at tunay mong malalaman ang sagot kung ano ba ang aktibista at kung kagaya nila, ay “Magiging Aktibista ka~” nga rin.  😉

` Para kay Cza-cza na nagpasimuno ng mga tagalog na ‘pinaglalaban’.
(‘pen name’ niya yon.) “

` Para rin sa mga papapasok palamang, hello! Nice, pasado siya.
 Sa mga nag-aaral na, hello din sainyo!
As well sa mga pangkalahatang uri ng mambabasa, welcome kayong malaman ang bagay bagay na pumapaloob sa aming unibersidad. ” 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s