wala akong maisip na title

 

(click me)

.

Ang sakit sa pakiramdam nung

todo effort ka na pero wala pa rin (cliche?)

Samantalang yung iba, ewan ko ba,

grabe yung pansin na natatangap

Hindi ko mabilang yung oras na ginugol ko

Para lang makaisip ng bagay na pwede kong sabihin

Para mapagusapan natin

Yung reply mo

“ok”

“haha”

Samantalang nung siya yung ka chat mo

Grabe ka makapagreply

Isa, dalawa, tatlo, apat na linya

Binilang ko

Grabe

Feeling ko mamamatay na ako

Gusto ko na lang duldulin yung mata ko

Kailan mo lang ba ako kilala?

Kapag may kailangan ka sakin?

Kapag convenient ako para sayo?

Kapag kailangan mong mag pa-print?

Sana naging bato na lang ako

Sana wala na lang akong nararamdaman

Hindi ko alam kung saan ilulugar yung sarili ko

Naiinggit ako sa mga taong nakapaligid sayo

Eh sino ba ako at ano bang posisyon ko para magisip ng ganon

Nababaliw ako kakaisip

Mukhang gago ako na nag-assume na

Yung mga ginagawa mo

Para sakin

Ang sakit sa pakiramdam nung parang

Baliwala ka lang sa taong

Hindi mawala sa isip mo

Araw man o Gabi

O sa panaginip pa

Ang sakit nung parang

Ok

Naandito ako

So what

Mukha bang merong may paki?

Yung feeling na

Parang kahit mawala ka

Walang makakapansin

Kasi wala ka namang halaga

Sobrang sakit nung nakikita mo sila

Yun bang alam mo naman yun eh

Yun bang halata sa mukha nilang ayaw nila sayo

Yung parang iniisip nila

Ito nanaman tong taong to

Kailan ba to aalis

Oo, alam ko naman

Hindi ako manhid, sana oo

Pero hinde

Nakakaramdam din naman ako

Pakiramdam ko pinagsisiksikan ko nanaman

Yung sarili ko

Ayokong aminin pero

Well, masakit syempre

Sinungaling ako kung hindi ko aaminin yon

Mahirap lang ilabas na

Yun bang nasasaktan ka

Yung parang

Hoy guys, pansinin nyo naman ako

Sobrang na de-depress lang talaga ako

Kailangan ko lang ng masasandalan

Kailangan ko ng makakausap

Yung parang

Hoy guys, tulungan nyo naman akong mapagaan

Itong mga problema ko

Ang bigat-bigat na kasi eh

Kahit ngayon lang

Kahit magkunyari lang kayo

Kunyari may paki kayo sakin

Kailangang-kailangan ko lang talaga ngayon

;

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s